Italian nasalisihan, P.3M halaga ng alahas, gamit natangay

MPD-HeadQ

TINATAYANG aabot sa mahigit na P300,000 halaga ng mga alahas at gamit ang natangay sa isang Italian national at misis nitong Pinay matapos masalisihan ng kawatan sa loob ng tinutuluyang hotel sa Intramuros, Maynila.

Personal na nagtungo ngayon sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment Section upang magreklamo ang mag-asawang biktima na sina Oronzo Suma, 37, United Nations staff at misis nitong si Mryna Ramiro-Suma, nanunuluyan sa 214 White Knight Hotel na matatagpuan sa Plaza San Luis Complex, sa may kanto ng Gen. Luna at Urdaneta sts., Intramuros, Maynila.

Ayon kay PO3 Bernardo Cayabyab, isang hindi nakilalang lalaki umano ang sumalisi sa mga gamit ng mga biktima.

Kitang-kita sa video na kuha mula sa CCTV ang pagdating ng mga guest sa hotel dakong alas-5:15 kahapon ng hapon kung saan sumabay ang hindi pa kilalang suspek.

Sinamantala ng suspek ang pagiging abala ng mga biktima at tinangay ang black purse na naglalaman ng mga mamahaling white gold jewelry, iPod at iba pang gamit.

Innaalam na ang pagkakakilanlan ng suspek at patuloy ang follow up operation ng pulisya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply