Iwasang bumili ng pagkain na walang food labels

hilda ong

AYON kay FDA Director Kenneth Hartigan Go, dapat bumili lamang ng pagkain mula sa reputable food sources at i-check ang physical condition ng produkto at iwasan ang pagbili ng mga dented, bulging o deformed na canned goods.

Sinabi ni FDA Director Go na dapat basahin muna ang food labels kabilang ang ingredients at allergens declaration at kung sensitive dito ay iwasan na lamang ang naturang pagkain.

Dapat ding tiyakin na hindi pa expired ang pagkain at i-double check kung maganda pa ang kalidad at sakop pa ng safety guarantee period ang mga Holiday Promo items tulad ng mga Buy 1 Take 1 at mga Freebies na mas madalas bilhin ng mga mamimili dahil mas nakakamura sila sa mga ito.

Ani Dr. Kenneth Go, mas makabubuti kung iiwasan ang mga pagkain na walang label o ni-repacked at mabibili kung saan-saan dahil maaaring nagpapanggap lamang ang mga ito na gawa ng mga kilalang brand ng food products.

Iginiit ng FDA na kahit pa naka-repack ang pagkain ay dapat pa ring mayroon itong kaukulang label information at dapat na inihanda sa hygienic facility at malinis na pamamaraan.

Kung bibili naman ng mga prutas at mga gulay ay dapat na tiyaking sariwa ang mga ito at hugasang mabuti sa running water bago lutuin o kainin.

Ugaliin ding maghugas ng kamay, bago, habang at pagkatapos maghanda ng pagkain at pagkatapos na gumamit ng palikuran.

Maghanda lamang ng pagkain sa malinis na lugar at gumamit din ng malinis na sisidlan, utensils, sangkalan at iba pa.

Ang mga tirang pagkain ay dapat na itago sa loob ng refrigerator at kung panis na ang mga ito, kaagad nang itapon at huwag nang tangkaing iinit pa o lutuing muli.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply