Jail guard nanutok ng baril, kalaboso

jail-guard-na-nanutok

KULONG ang isang jail guard ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-Caloocan makaraang manutok ng baril sa isang 29-anyos na konduktor.

Ayon sa pahayag ni Donald Hayahay, konduktor ng Marikina Autoline, sumakay ng bus sa Caloocan City si SJ04 Daniel Dumanta ngunit nag-init ang ulo sa isang jeepney driver na nag-cut sa sinakyan niyang bus.

Bumaba ang suspek at tinutukan ng baril ang naturang driver ngunit agad namang bumalik sa bus.

Nang makarating sa Cubao ang bus ay uminit muli ang ulo ni Dumanta makaraang idaan ng driver ang minamaneho sa underpass gayong nakalagay sa karatula nila ay Cubao-Ibabaw.

Dahil dito, nagbunot ng baril si Dumanta ngunit nakipag-agawan si Hayahay na nagtagal hanggang makarating ang bus sa Buendia Makati kung saan nakahingi ang mga pasahero at driver ng tulong sa mga miyembro ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Tinangka pa umanong iposas ni Dumanta ang konduktor kaya’t nagkaroon ito ng mga sugat sa kamay.

Handa namang maghain ng kasong grave threats at physical injury si Hayahay laban kay Dumanta.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply