Jake Ejercito, nagulat sa pagkaprangka ni Jacklyn Jose!

TILA naging palaisipan na ngayon sa marami ang ginawang anunsiyo ni Willie Revillame sa programa niyang Wil Time Big Time nu’ng November 20.

Du’n mismo ay diretsahang sinabi ng kontrobersyal na TV host, maghanap na raw ng bagong mapapasukan ang staff, dancers at iba pang nagta-trabaho sa programa niya dahil nga hanggang January 5, 2013 na lang daw siya e-ere sa WTBT.

Aniya, mismong Jan. 5, 2013 ay may ia-announce siya kaya ang usap-usa- pan pa ay ito na raw ang last day ng programa niya? “Akala n’yo, nagbibiro ako.

Seryoso ako…may huling araw pa ako rito,” nakagugulat pang rebelasyon ni Willie na siguradong hindi lang ang mga nasa studio nu’ng mga pana- hong ‘yun ang mga na-shock attack sa mga sinabi ng TV host, pati ang mga nakarinig nito ay shock ever rin, noh?

“January 5, abangan niyo, mag-aanounce ako kung ako’y magtutuloy pa sa programang ito…” sabi pa ni Willie.

Dahil sa mga binitiwang pahayag ng TV host, kung anu-anong ispekulasyon tuloy ang umiikot at iniisip ng mga tao. Isa na rito ang kesyo aalis na raw sa TV5 si Willie at lilipat ng ibang network?

May ganon nga bang magaganap?

Hindi pa namin nakakausap si Willie pero sa tingin namin, sorpresa at hindi paglipat sa ibang istasyon ang magaganap sa darating na mga araw.

Balita nga namin this early ay pinaghahandaan na ang kaarawan niya na magaganap sa Big Dome at wala naman siyang bad blood sa TV5 para lumipat sa ibang network, di ba?

So, malamang sorpresa ang nakaantabay sa lahat ng manonood at sumusuporta sa TV host sa darating na “special announcement” niya sa January 5. ]

Si Willie pa, hindi niya basta matitiis at maiiwan nang ganoon lang ang mga kababayan at fans niya na alam niyang ang programa lamang niya ang nage-entertain sa kanila.

Kaya sa tingin namin, isang sorpresa ang hinahanda nito.
Kung ano ‘yun? Abangan!

——————-0—————-

Nasa London man ngayon si Jake Ejercito, hindi pa rin nakawala ang binata sa mga isyung dapat niyang sagutin sa kontrobersyal nilang hiwalayan ni Andi Eigennman. Yes, break na ang dalawa.

Sa PEP, kung saan naglabas ng saloobin ang binatang anak nina dating Pang. Joseph Estrada at Laarni Enriquez, sinabi nitong totoong nagulat siya sa naging pahayag ng ina ni ni Andi na si Jaclyn Jose tungkol sa kanila nu’ng presscon ng A Secret Affair. Matatandaang sinabi ni Jaclyn na,

“Hindi ko sinabing sila ni Jake, ang sinabi ko lang meron…dagdagan pa natin, baka ayaw ng parents.”

Aminado si Jake, pareho silang may gulat factor ni Andi sa naging pahayag ni Jaclyn at dito raw nagsimula ang lahat ng pagkakalabuan na ng dalawa.

Binanggit ni Jake sa panayam na ‘yun, sinubukan rin daw ni Andi na kau- sapin ang mommy niya (Laarni) through his Mom’s best friend, pero tumanggi raw si Laarni at sinabing huwag muna ngayon, maybe someday soon dahil fresh pa ang lahat.

Sinabi rin ng binata na malaki ang respeto niya sa ina ni Andi na Tita Jane kung tawagin niya pero prangka rin si Jake sa pagsasabing sumama raw talaga ang loob niya dahil parang ang dating nalagay sa hindi magandang usa- pin ang mga magulang niya.

Obviously, hindi lang si Jake ang nasaktan kundi higit lalo ang mommy niya lalo pa’t pribadong indibidwal si Laarni.

Sinabi rin ni Jake sa panayam na ito, walang tigil pa rin si Andi sa paghingi ng sorry sa kanya at minsan ay nag-uusap pa rin sila pero hanggang dito na lang daw ang lahat.
————–0—————

Kung dati-rati’y inaabangan ang mala-dinamitang pasabog ni Angelica Panganiban at ang maanghang niyang pasa- ring sa ex-boyfriend na si Derek Ramsay, ngayon silence of the lambs ever na ang drama ng aktres, huh? Kaya hindi tuloy mapigilan ng ilan na magtanong, ano nangyari?

Ba’t biglang kumambyo si Angel at may chika pang lumabas na nag-tweet daw ang aktres na may some kind of realization raw siya at mula ngayon matututo na raw siyang magpatawad kuning?

Well, sa totoo lang, mas makabubuti nga kay Angelica na ‘wag nang mag-ingay pa tungkol kay Derek kasi habang ginagawa niya ‘yun lalo lamang siyang ikinu-kumpara kay Shaina Magdayao, na tahimik namang nakipag-hiwalay kay John Lloyd Cruz na ngayon ay boyfriend na ni Angelica.

Komento pa ng ibang nakiki-uzi (usisero) sa relasyong Angelica-Lloydie, malamang, napag-sabihan raw ng nobyo nito ang aktres kaya hindi na nag-iingay ngayon si Angelica.

Saka ito lang ha, kung masaya na siya ngayon with JLC, dapat lang talaga ‘wag na siyang mag-emote pa sa nakalipas niya kay Derek dahil ang press release niya, mas maligaya na siya ngayon di ba?

Well….

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply