Janelle Manahan lumutang na sa korte

HUMARAP muli kanina sa korte ang kasintahan ng pinaslang na si Ramgen Revilla na si Janelle Manahan upang tumestigo laban sa mga akusadong itinuturong may kagagawan

sa pagpatay sa dating aktor.

Kinuwestiyon naman ng depensa ang kredibilidad ni Manahan at iginiit na siya ang posibleng target ng salarin lalo na nang ihayag niya na siya ang unang binaril ng salarin.

Sa cross examination ni Atty. Jeffrey Gepte, abogado ng akusadong si Ramon Joseph “RJ” Revilla kay Manahan, iginiit ng abogado na napunta lamang ang atensiyon ng salarin kay Ramgen nang tangkain ng napatay na sugurin ang nakamaskarang lalaki na bumaril kay Manahan.

Nauna nang inihayag ni Manahan sa sala ni Paranaque Regional Trial Court (RTC) Judge Fortunito Madrona ng Branch 274 na nagkaroon ng malalim na hidwaan ang magkakapatid dahil sa problemang pananalapi at hindi wastong pag-uugali ng akusado na hindi nagustuhan ni Ramgen.

Nasaksihan aniya niya ang pagkakataon na sinapak ni Ramgen si Ramon Joseph dahil natuklasan na malaki ang pagkakautang nito sa kanyang credit card habang nasaksihan din niya kung paano pinalo ng baril ng kanyang kasintahan si Ramona nang minsang hindi ito umuwi ng bahay.

Sinabi ni Manahan na normal lamang ang pagkakaroon ng pag-aaway sa magkakapatid subalit kakaiba aniya ang ginawang pamamalo ni Ramgen ng baril kay Ramona. Kung pagdudugtung-dugtungin aniya niya ang mga pangyayari, lalo na ang pagsisinungaling ni Ramona na dinukot siya ng mga salarin, at ang pagtakas nito patungo sa ibang bansa habang nasa kasagsagan ng imbestigasyon, malinaw na may kaugnayan ang mga ito sa nangyaring krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply