Janine Tugonon ayaw pag-showbiz-in ng dyowa

janine-tugonon-5

WELCOME kay Miss Universe 2012 first runner up Janine Tugonon na sumabak sa mundo ng showbiz.

Sinabi ng pinakamagandang babae sa Pilipinas sa isang panayam na kanyang titimbangin ang mga bagay-bagay bago pumasok sa showbiz dahil inamin niya na hindi siya magaling sa aktingan.

Ngunit, hindi alam ng marami na mahusay na mananayaw si Janine. Napatunayan na ito ng dilag nang mag-guest sa “Gandang Gabi Vice” bago bumiyahe pa-USA para sa Miss U pageant.

Ayon pa kay Janine, kino-consider niya ang opinyon o payo ng kanyang non-showbiz boyfriend na huwag pasukin ang showbiz lalo na kung magkakaroon ng ka-loveteam.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply