Janine Tugonon panalo sa puso ng mga Pinoy

miss-phil-janine-tugonon

TUNAY na panalo sa puso ng mga Filipino ang pambato ng Pilipinas na si Janine Tugonon na tinanghal na first runner up sa katatapos na Miss Universe 2012 na ginanap sa Planet Hollywood Resort & Casino sa Las Vegas, Nevada, USA.

Sa kalatas na ipinalabas ng Office of the Presidential Spokesperson (OPS), nakasaad dito na ipinakita ni Tugonon ang gandang Filipina na taglay nito nang maging kinatawan ng bansa at makopo ang first runner up sa naturang pinakaprestihiyosong beauty pageant.

“Ms. Janine Tugonon, by winning 1st runner up in the Miss Universe pageant, held up the country’s banner and showed the world, once again, the grace, sophistication, and beauty that Filipinas possess. From her winning as Binibining Pilipinas to representing our proud nation on the stage of Miss Universe, the Filipino people have supported Ms. Tugonon throughout her journey and in the hearts of our countrymen; she is our winner, our Miss Philippines. With the victory of Ms. Tugonon, we find even more proof of the exceptional characteristics of Filipinas and Filipinos to be truly world-class,” ang nakasaad pa rin sa kalatas ng OPS.

Si Tugonon ay 23-anyos na pharmacist mula sa Balanga, Bataan, at cum laude graduate ng University of Santo Tomas.

Kinoroahan namang pinakamagandang babae sa mundo si Miss USA Olivia Culpo

Tinalo ni Culpo ang 88 iba pang mga kandidata mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Second runner-up naman si Miss Venezuela Irene Esser at third runner up si Miss Australia Renae Ayris. Fourth runner up naman si Miss Brazil Gabriel Markus.

Kabilang umano sa nagbigay ng malaking puntos para sa Pinay ay ang long qown competition at ang question ang answer portion.

Nagmula sa world renowned photographer na si Nigel Barker ang tanong kay Ms. Philippines sa pamamagitan ng Twitter question.

Barker: Do you believe that speaking English should be prerequisite for #MissUniverse2012?

“Being Ms. Universe is not just about being able to speak a language, it’s about inspiring, influencing people,”
bahagi ng sagot ni Tugonon.

Marami namang Ms. Universe viewer ang nanghula na mananalo si Tugonon lalo na sa talino nito sa pagsagot.

Taong 1999 nang manalo ring first runner up sa Miss Universe ang pambato ng Pinas na si Miriam Quiambao.

Noong 2011, pinakauna sa kasaysayan ng Angola na makuha ang Miss Universe title sa pamamagitan ni Leila Lopes. Pero muntik itong ma-dethrone dahil sa isyu ng pamemeke umano ng mga dokumento. Third runner-up noon si Shamcey Supsup na pambato ng Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply