Jazz lapnos sa Heat

WALA si Chris Bosh subalit na kontrol pa rin ng Miami Heat ang rebounds upang tustahin ang Utah Jazz, 105-89 sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season kanina.

Bumira si basketball superstar LeBron James ng 30 puntos, siyam na rebounds at pitong assists upang ilagay ang Heat sa tuktok ng Eastern Conference tangan ang 18-6 win-loss card.

Tumulong din sa opensa si Dwyane Wade matapos tumikada ng 21 markers at tig pitong rebounds at assists para ilista rin ng heat ang kanilang ika-apat na sunod na panalo.

”We look like a Miami Heat basketball team,” saad ni Heat coach Erik Spoelstra.

Sina Marvin Williams, Gordon Hayward at Paul Millsap naman ang bumalikat para sa opensa ng Jazz matapos tumarak ng 16, 15 at 11 ayon sa pagkakasunod.

Dikit pa ang laban sa first 47-43 bentahe ng Heat subalit sa third canto ay hindi na nagkapaglaro ang pambato ng Jazz na si Mo Williams kaya nakaalagwa ang Miami sa third period, 73-63.

Naka-iskor si three-time MVP James ng mahigit 20 sa 24 na laro ng Heat sa season na ito at nakagawa ng walang personal foul sa anim na sunod na laro.

”That means I’m putting myself in the right position and I’m not getting out of position,” wika ni James. ”Just trying to be there before plays actually happen. That means I’m helping my teammates out on offense and defense.”

Samantala, dumaan sa butas ng karayom ang Los Angeles Lakers bago talunin ang Golden State Warriors, 118-115 sa overtime game.

May four-game winning streak na ang Lakers kaya naman gumanda ng bahagya ang kanilang team standing sa 13-14 karta.

ibang NBA resulta, dinagit ng Atlanta Hawks ang Chicago Bulls, 92-75 habang tinambakan ng Denver Nuggets ang Charlotte Bobcats, 110-88.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply