Jazz nayanig sa Thunder

utah-jazz

KUMADENA ng apat na sunod na panalo ang Oklahoma City Thunder matapos nilang payukuin ang Utah Jazz, 106-94 kaninang umaga sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Nagtambal sina Kevin Durant at Russel Westbooks para sa opensa ng Thunder upang ilista ang 13-4 win-loss slate.

Bumira si three-time scoring champion, Durant ng 25 points habang sina Westbrooks at Kevin Martin ay nag-ambag ng 23 pts. at 19 pts. ayon sa pagkakasunod.

”Definitely a good homestand leading to the road,” sabi ni Westbrook. ”We’re playing good basketball right now. Everybody’s moving the ball, feeling good and hopefully we can continue it.”

Si Enes Kanter ay umiskor ng career-high 18 points, 14 dito ay sa fourth quarter habang bumakas naman si Al Jefferson ng 16 markers at 11 rebounds para sa Jazz.

”I don’t feel bad at all about this loss,” saad ni Jefferson. ”I think we did a great job against all odds.”

Sa ibang kaganapan, lumuhod ang Sacramento Kings sa Indiana Pacers, 92-97 habang inihaw ng Cleveland Cavaliers ang Atlanta Hawks, 113-111.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply