Jose Manalo at Wally Bayola, parehong isinama ang parents nila sa premiere night ng D’ Kilabots Pogi Brothers …Weh!

NAGING family affair ang premiere night ng D’ Kilabots Pogi Brothers…Weh! last Tuesday night sa Cinema 9 ng SM Megamall. Kasi, dinala pareho nina Jose Manalo at Wally Bayola ang kani-kanilang pamilya.

Si Jose ay dinala ang kanyang mga magulang, kapatid at mga pinsan. Very memorable kasi ang D’ Kilabots sa pa- milya ni Jose dahil mismong sa lugar na kinalakihan niya kinunan ang buong movie na idinirek ni Soxy Topacio.
Lumaki si Jose sa Tondo, particularly sa lugar ng Bankusay, Pritil at simbahan ng Tondo kaya roon kinunan ang buong photography ng pelikula. Kitang-kita rito ang mga kalye ng Pritil at Bangkusay. May parte pa na may pro- sesyon sa araw ng kapistahan ng Tondo.

Kinunan ang karamihan ng eksenang may paligsahan ang magkapatid na sina Jose at Wally sa istorya sa mismong basketball court ng Bangkusay kaya alam na alam ni Jose kung ano ang buhay ng mga tao sa Tondo. Alam niyang maging street smart.

Si Wally naman ay kasama ang buong pamilya niya. Ang kanyang asawang si Rizza at mga anak na sina Marian, Li- za, 17, Florian, 16, nag-iisang anak na lalaking si Rome Paolo, 14, at ang dalawang batang sina Zian, 3, at Zyrene, 2.
Gusto ni Wally na ma-appreciate ng mga anak niya ang kanyang pagiging actor-comedian. Bale ang trabahong ito ang bumubuhay sa kanila. Kaya naman ang nag-iisang anak niyang lalakeng si Rome ay gusto nang sumunod sa yapak ng ama bilang artista. Mahilig itong kumanta at sumayaw. Mahilig ring magpatawa sa bahay.

Pero pinayuhan ni Wally na pag-aaral muna ang asikasuhin. Katwiran ng comedian na ama na mahirap sa artista na hindi nakapag-aral. Mahirap na kapag ini-interview ng press ay hindi marunong sumagot. Dapat maging matalino at handa sa pag-aartista ang sinumang papasok rito. Halos lahat ng kanyang mga anak ay marunong kumanta.

000

NANG nagpunta kami sa set ng Magdalena sa Fairview, Quezon City, naikuwento sa amin ni Dion Ignacio na siya’y totoong naghirap nang mawalan ng siya ng trabaho ng almost one year. Malapit nang mag-zero balance ang kanyang account sa bangko.

Buti na lang at napasama siya sa magkakasunod na project na The Good Daughter at Amaya. Yung P10,000 balance niya sa bangko ay lumago nang husto kaya naman masayang-masaya siya sa ibinigay na trabaho ng GMA 7 sa kanya.

Lalo pang sumaya si Dion nang bigyan na siya ng lead role sa Magdalena bilang isa sa leading men ni Bela Pa- dilla. Laking paghamon para kay Dion ang mabigat na role na inatang sa kanya sa nasabing soap.
May natutunan naman siya sa mga workshop na pinagdanan niya. Sa tulong kanyang director na si Ms. Gina Alajar, madali na niyang na-internalize ang role niyang ginagampanan. Hindi na siya ang dating si Dion na inirereklamo na ang pagda-dialogue niya’y parang nagme-memorize ng linya.

Ngayo’y nasa cloud nine na siya sa mga papuring tinatanggap na siya’y nagma-mature na sa acting.

Laking pasalamat niya sa mga tong patuloy na nagbibigay payo sa kanyang pag-arte.

000

MAY malaking pagbabago sa timeslot ng Kap’s Amazing Stories, ang dating pang-Sunday na slot ng GMA 7, ngayo’y magiging Saturday slot na at mapanonood ng 7:30 p.m. pagkatapos ng Celebrity Bluff.
Mas maagang mapanonood ang 24 Oras Weekend sa Sabado sa ganap na 5:15p.m. Susunod ang Extra Challenge nina Ri- chard Gutierrez at Marian Rivera.

Sa Kap’s Amazing Stories, tampok ngayong week ang episode na mapanonood na hango sa Stan Lee’s Superhumans. Kabilang sa episode ay ang isang lalaki sa India na kayang kontrahin ng katawan ang boltahe ng kuryente. May taong patatakbuhin ang blender sa pamamagitan ng electrity na galing sa katawan ng tao.

Isang math wizard, mas mabilis pang mag-compute kaysa calculator. Mababatid ang sikreto ng human calculator ng isang doctor.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply