‘Juan Dela Cruz’ ni Coco Martin abangan sa 2013

coco-martin

YES, mapanonood na sa first quarter ng 2013 ang action-fantasy series na “Juan Dela Cruz” na pagbibidahan ng guwapo at mahusay na aktor na si Coco Martin.

Makatatambal ni Coco sa naturang fantasy series si Erich Gonzales. Habang nasa cast din sina Mylene Dizon, Albert Martinez, Zsa Zsa Padilla, Joel Torre, Gina Pareño, Louise Abuel, Lotlot de Leon, Neil Coleta, Arron Villaflor, Jaime Fabregas at Izzy Canillo.

Gagampanan ni Coco sa serye ang role ng isang superhero na may sandatang krus na nagiging latigo, pana at espada na kanyang gagamitin laban sa mga aswang.

Mai-inlove siya sa character ni Erich na isang aswang hunter. Yun nga lang may dugong aswang si Coco.

Abangan ang Juan Dela Cruz sa ABS-CBN next year.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply