Justin Bieber hiniling na ideklarang persona non grata

justin-bieber

MALAKI ang posibilidad na maideklarang persona-non-grata ang sikat na Canadian singer na si Justin Bieber, kung hindi ito hihingi ng public apology.

Ito ang nilalaman ng House Resolution  2962 na inihain nina Reps. Carol Jayne Lopez (YACAP Partylist), Seth Frederick Jalosjos, Amado Bagatsing, Antonio Alvarez, Mark Aeron Sambar, Alfredo Garbin Jr., at Isidro Lico.

Ito ay kaugnay sa komento ni Bieber matapos ang laban nina Saranggani Rep. Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez.

Kung hindi hihingi ng paumanhin ang singer, sinabi ng mga mambabatas ay wala silang magagawa kundi ideklarang persona non grata si Bieber.

Matatandaang nag-post ang dayuhang singer ng ilang dinoktor na litrato ng pagbagsak ni Pacman laban kay Marquez sa MGM Garden Arena sa Las Vegas nitong nakalipas na linggo (Disyembre 9).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply