Ka-live-in late umuwi: Bebot lumagok ng lason, tepok

bangkay-3

TINAPOS ng isang 24-anyos na babae ang kanyang buhay sa pamamagitan ng paglagok ng lason makaraang late umuwi ang ka-live-in sa Valenzuela City, Miyerkules ng hapon (Disyembre 19).

Dead on arrival sa Valenzuela General Hospital si Reynalin Aliroso, residente ng Governor Alex St., Marulas ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-3:10 ng hapon, umuwi ang ka-live-in ng biktima na si David De Jesus, nasa hustong gulang na inaway ni Aliroso dahil late umuwi.

Nagwala ang biktima at nagbasag ng mga gamit hanggang sa makalabas ng bahay ay patuloy pa rin sa pagwawala.

Nadaanan ng mga pulis ang biktima at nang malaman ang pangyayari ay isinama sa barangay hall ang mag-live-in upang magkaayos.

Habang nasa daan ay napansin ang biktima na nahihirapang huminga na naging dahilan upang dalhin sa VGH subalit hindi na umabot ng buhay.

Nalaman sa mga doktor na tumangga ng silver cleaning solution ang biktima at nang tignan ang bahay ng mag-live-in ay nakita sa kusina ang isang botelya na hinihinalang pinaglagyan ng lason.

Inaalam na ng mga pulis kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply