Kalinisan sa evacuation centers, panatilihin- DOH

DAHIL sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga inililikas na biktima sa mga evacuation center, pinaalalahanan ngayon ng Department of Health (DoH) ang publiko hinggil sa kalinisan sa katawan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa mga evacuation center.

Ayon kay Dr. Lyndon Lee Suy, Program Manager ng Emerging and Re-Emerging Diseases ng DOH, ang wastong hygiene tulad ng pagtatakip ng bibig kapag umuubo, tamang paghuhugas ng kamay kapag naghahanda ng pagkain at ang hindi pagpapalitan ng utensils ay ilan lamang sa mga paraan upang makaiwas sa pagkalat ng mga sakit.

Ayon kay  Lee Suy, kadalasan na ang mga sakit sa mga evacuation center ay diarrhea, cholera, dysentery, pneumonia, tigdas, tetanus, malaria, dengue, at leptospiros.

Ang tama, anyang, infection prevention sa mga evacuees at mga tumutulong sa mga ito ay ang makapagpapababa sa pagkalat ng infectious diseases sa mga evacuation center.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply