Kaltas presyo sa petrolyo, ipinatupad ng oil firms

oilprice

NAGPATUPAD ng tapyas presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis simula kahapon at kagabi.

Nauna rito, nagbawas presyo ang Phoenix Petroleum dakong alas-6:00 Lunes ng gabi, kinaltasan ng P0.75 sa kada litro ng premium at unleaded gasoline.

May P0.20 pa silang rollback sa regular gasoline at P0.15 sa kada litro ng diesel.

Ngayong Martes, alas-12:01 ng madaling araw nang magrollback sa kaparehong halaga sa premium at unleaded gasoline, regular gasoline at diesel ang Shell, Petron, Seaoil at PTT, habang alas-6:00 ngayong umaga nagbaba ng katulad na presyo sa gasolina at diesel ang Total.

Nagbawas din ng P0.10 ang Shell at Seaoil sa kada litro ng kerosene.

Matatandaang noong isang linggo, nag-rollback na rin ang mga kumpanya ng langis ng P0.60 sa kada litro ng premium at unleaded gasoline, P0.35 sa regular gasoline at P0.40 sa kerosene.

Ang rollback sa produktong petrolyo ay ibinabatay sa pagbabago sa presyuhan ng petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply