Kamao ni Pacquiao malapit ng matikman ni Marquez

TUMULAK na patungong Las Vegas si world eight-division champion Manny Pacquiao kaninang umaga upang paghandaan ang nalalapit niyang pakikipag sapakan kay Juan Manuel Marquez ng Mexico.

Atat ng bugbugin ni Pacquiao ang mahigpit na karibal na si Marquez sa darating na Disyembre 9 ( Manila time) na gaganapin sa MGM Grand sa Las Vegas sa Nevada.

Ayon kay Filipino boxing idol Pacquiao ay 100 porsiyento itong nasa kundisyon at naka fucos ito sa ika-apat nilang paghaharap ni Marquez sa lona.

Sinabi pa nito na walang ibang puwedeng gumambala sa kanya at anuman ang maging resulta ng laban ay naniniwala na ito ang kagustuhan ng Diyos.

Kahapon din tumungo ng Las Vegas ang team Marquez.

Ang final press conference ng laban ay sa Huwebes at ang weigh-in naman ay sa Sabado (parehong Manila time).

Magtatagpo sina Pacquiao (54-4-2, 38 knockouts) at Marquez (54-6-1, 39 KOs) sa catchweight na 147 pounds at sa isang non-title, welterweight bout.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply