Kampanya ng DOH vs paputok epektib – Ona

doh-enrique-ona

EPEKTIBO ang kampanya ng Department of Health (DOH) kontra paputok ngayong Holiday season. Ito ang iginiit ni Health Secretary Enrique Ona.

Bilang katunayan ayon kay Ona, sa 71 na naitalang firecrackers-related incident at isang stray bullet incident mula Disyembre 21 hanggang 26, ay mas mababa pa rin ito ng 33 porsiyento kung ikukumpara sa kanilang naitala noong nakalipas na taon.

Nanindigan rin ang Kalihim na walang pagkukulang ang Kagawaran upang maiwasan ang mga naitalang biktima ng paputok.

Kaugnay nito, patuloy ang paalala ng DOH sa publiko na iwasan na ang paggamit ng paputok.

Ayon kay Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, hepe ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), bukod sa mapanganib ang paputok ay magdudulot din ito ng polusyon sa kapaligiran.

Payo pa niya, sa halip na magpaputok ay mas mainam na sumayaw na lamang ng “Gangnam Style” at mag-enjoy sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Inisa-isa ring muli ni Tayag ang mga paputok na bawal ibenta at bilhin kabilang na ang Watusi, Piccolo, Super Lolo, Atomic Big Trianggulo, Mother Rockets, Lolo Thunder, Pillbox, Boga, Big Judah’s Belt, Big Bawang, Kwiton, Goodbye PHL, Bin Laden, Coke-in-can, Kabasi, Atomic Bomb, Five Star, Pla-pla, Og, at Giant Whistle Bomb.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply