Kampanya vs illegal recruitment, human trafficking, pinaigting ng DOLE

HINIMOK ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga opisyal ng Philippine Overseas and Employment Administration at lokal na opisyal na makipagtulungan sa kampanya ng ahensiya laban sa illegal recruitment at human trafficking.

Ang panawagan ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz, ay kasunod ng  memorandum of agreement o MOA, na nilagdaan ng DOLE sa local chief executives ng Kabacat at Magpet, North Cotabato na naglalayong mapalakas ang Anti-Illegal Recruitment (AIR) campaign ng POEA sa dalawang munisipalidad.

Pinangunahan nina DOLE Regional Office 12 Director Chona Mantilla  ang paglagda sa MOA at sina Kabacan Mayor George Tan at Magpet Mayor Efren Piñol.

Naniniwala naman ang kalihim na sagot sa lumalalang illegal recruitment at human trafficking ang pagpapalawak ng AIR campaign.

“Bringing down the POEA’s AIR campaign to the grassroots level is a strategy to provide workers access to services, such as legal assistance and counseling on unauthorized recruitment activities.  Hence, we continue to establish more ties with local partners to send a strong message that we seek to eliminate illegal recruitment and human trafficking in our midst”, ayon kay Secretary  Baldoz  .

Ayon pa kay Baldoz, ang mahalagang tungkulin ng LGUs ay kinikilala ng ahensya bilang pangunahing protector ng manggagawa.

“By educating local leaders on laws on illegal recruitment and human trafficking, we make them as partners in preventing the illegal recruitment and hiring of unsuspecting victims in the community,” dagdag pa ng kalihim.

Dahil dito,  ang Kabacan at Magpet ay pang-83 na sa listahan  ng mga free town sa isyu ng illegal recruitment and human trafficking.

Nabatid na magkakaloob sa mga residente ng dalawang bayan ng tulong  para sa legal na proseso ng mga overseas employment application upang hindi na sila mabiktima ng fixers, scammers at traffickers.

Ito ay alinsunod na rin sa kasunduan kung saan ang DOLE, sa pamamagitan  POEA, at pakikipag-alyansa sa provincial Parish Pastoral Council at Philippine National Police.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply