Kampo ni Coco Rasuman, maghahain ng motion for reconsideration

MAGHAHAIN  ng motion for reconsideration sa tanggapan ng Department of Justice ang kampo ni Jachob “Coco” Rasuman sa kasong syndicated estafa kaugnay sa multi bilyong pyramiding scam.

Ang paghahain ng mosyon ay kukuwestyun sa umano’y naging proseso sa pagpapalabas ng resolution sa kasong kinakaharap ni Coco na nagresulta sa pagpapalabas ng warrant of arrest laban dito.

Ayon kay Atty. Anthony Poch de Leon, abogado ni Coco, ang resolution ay hindi dapat na manggaling sa DoJ dahil ginawa ang pagdinig sa kaso sa Cagayan de Oro City Prosecutors Office.

Sa ngayon, hawak na ng National Bureau of Investigation (NBI) si Coco.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply