Kanseladong flights dahil sa bagyong Quinta, 20 na

UMAKYAT na sa 20 flights ang kinansela sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa masamang panahon bunsod ng bagyong Quinta.

Ayon sa NAIA Media Affairs Division, kabilang sa mga nagkansela ng flights ang Zest Air flight Z2-320 na lilipad sana sa Tacloban,
alas-4:20 ng madaling araw kanina at return flight nitong Z2-321 na lalapag sana alas-7:10 ng umaga.

Nakansela rin ang flight Z2-260 na biyaheng Masbate kaninang alas-5:05 ng madaling araw at ang return flight nitong Z2-261 na lalapag sana, alas-8:05 ng umaga.

Bukod sa apat na Zest Air flights, nagkansela rin ang 16 flights ng Cebu Pacific, na may mga biyaheng Caticlan, Legaspi at Virac, at
pabalik ng Maynila.

Kabilang sa mga kanseladong flights dito ang 5J 913/914 MNL-Caticlan-MNL; 5J 323/324 MNL-Legaspi-MN; 5J 134/135
MNL-Caticlan-MNL; 5J 821/822 MNL-Virac-MNL;5J 907/908 MNL-Caticlan-MNL; 5J 919/920 MNL-Caticlan-MNL; 5J 893/894 MNL-Caticlan-MNL at 5J 132/133 CEB-Caticlan-MNL.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply