Kapatid patay, pamangkin sugatan sa senglot na kaanak

crime9

PATAY ang isang ginang habang sugatan naman ang manugang nito matapos silang pagsasaksakin ng lasing at naburyong na kaanak kaninang umaga sa Sampaloc,Maynila.

Idineklarang dead on arrival sa Ospital ng Maynila ang nasawing si Efrenita Vistal, 53, labandera at nakatira sa 2343 BMC Tower 2 Osmena Highway (Southbound), Maynila.

Sugatan naman ang manugang nitong si Marifiel Lopeno, 26, waitress at nakatira rin sa nasabing lugar.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na kapatid ng nasawing si Efrenita na si Jorge “jek-Jek” Vistal, 39, walang trabaho at naninirahan din sa bahay ng mga biktima.

Sa report ni PO3 Rodel Benitez, dakong alas 6:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mga biktima .

Nauna rito, nagkukuwnetuhan umano ang mga biktima nang dumating ang suspek na lango sa alak.

Napansin umano nito na nag-uusap ang magmanugang at tila nag-tamang hinala na siya ang pinag-uuspaan ng mga biktima kaya naman naburyong ito at kumuha ng icepick saka walang sabi-sabing pinagsasaksak ang dalawa.

Nagtamo ng tama ng saksak sa katawan si Efrenita na nagresulta ng kanyang kamatayan habang si Marifiel naman ay nasa maayos na kondisyon na matapos magtamo ng saksak sa kanyang braso.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply