Karagatan ng Mindanao nilindol ng magnitude 5.8

phivolcs

NIYANIG ng magnitude 5.8 na lindol ang karagatan ng Mindanao Lunes ng madaling araw.

Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolc) Director Renato Solidum dakong alas-5:45 naitala ang
sentro ng lindol sa layong 65 kilometro timog-silangan ng Malita, Davao del Sur.

Sinasabing may lalim itong 32 kilometro ang lindol, na tectonic in origin.

Naramdan ang Intensity 4 sa Mati, Davao Oriental habang Intensity 3 ang naramdaman sa General Santos City; Digos City at Manay sa Davao Oriental.

Samantala Intensity 2 naman ang naramdaman sa Koronadal, South Cotabato.

Kaugnay nito, wala namng tsunami warning na idineklara ang Phivolcs.

Walang naitalang pinsala ang pinsala o sugatan sa nabanggit na pagyanig.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply