Kaso ng arestadong PRC opisyal, aaksyunan ng DOLE

AAKSYUNAN ang sinumang naarestong opisyal ng Professional Regulation Commission o PRC na posibleng may administratibong pananagutan.
.
Ito ang tiniyak ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) .

Si PRC Commissioner Alfredo Po ay nauna nang dinakip ng NBI sa isang entrapment operation dahil sa sumbong na nangungumisyon siya sa renta ng PRC sa inuupahan nitong gusali sa Lungsod ng Baguio.

Si Po ay nakasuhan na sa DOJ  ng paglabag sa anti-graft and corrupt practices act, direct bribery at paglabag sa cpde of ethical standards.

Sinabi ng Communications Office ng DOLE, hinihintay na lamang ng kagawaran ang isusumiteng ulat at rekumendasyon ni PRC Chairperson Teresita Manzala.

Ngunit nililinaw ng DOLE, na  lahat ng mga dokumento kaugnay sa insidente ay kanilang isusumite sa Office of the President dahil si Po ay isang presidential appointee.

Tiniyak naman umano ni Manzala kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz na kanilang isinusulong ang integridad ng ahensya at hindi nila kinukunsinti ang anumang maling gawain ng kanilang mga opisyal at empleyado.

Pinakilos na rin umano ng PRC ang kanilang legal division para magsagawa ng kaukulang pag-iimbestiga.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply