Kaso ng dengue sa bansa tumaas ng 30%

dengue

IPINAHAYAG ng Department of Health (DOH) na umakyat na ng 30% o katumbas ng mahigit 144,000 ang tinamaan ng dengue mula Enero hanggang Nobyembre 3 ngayong taon habang nasa mahigit 111,000 lamang na kaso noong 2011.

Dahil dito, pinayuhan ng DOH ang publiko na pag-ibayuhin pa ang mga hakbang para mabawasan ang pagdami ng mga lamok na nagdadala ng sakit na dengue.

Samantala, naaalarma na ang World Health Organization (WHO) sa patuloy na pagsipa ng kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa Asya kabilang na ang Pilipinas.

Nanawagan ang WHO Western Pacific sa lahat ng gobyerno na gumawa ng mga hakbang upang malabanan ang pagkalat ng HIV sa pamamagitan ng pakikipagtalik ng mga lalaki sa kapwa lalaki at mga transgender.

Batay sa pinakahuling datos ng DOH, umaabot na sa 2,444 na ang kaso ng HIV sa bansa mula enero hanggang Setyembre ng kasalukuyang taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply