Kaso ni CGMA sa PCSO, bubusisiin ni Justice Leonen

BUBUSISIIN at hihimay-himayin ng bagong Supreme Court (SC) Associate Justice na itinalaga ni Pangulong Noynoy Aquino para magpoponente sa kasong Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) fund scam na kinasasangkutan ni dating pangulo at ngayon at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Dahil tumanggi ang dalawang mahistrado, naitalaga kay Associate Justice Marvic Leonen ang kaso ni Gng. Arroyo.

Si Justice Diosdado Peralta ang unang humawak sa kaso ngunit binitawan niya ito sa kadahilanang delicadeza habang nag-unload naman si Justice Estela Perlas-Bernabe ng kaso.

Kaugnay nito, kinontra ni dating PCSO general manager Rosario Uriarte ang paglalagay sa kanyang pangalan sa red notice list ng International Criminal Police Organization (Interpol).

Nalustay umano ang P352.68 million sa confidential intelligence funds (CIF) ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa huling tatlong taon ng Arroyo administration.

Sa dokumentong nilag daan ni Mercedes J. Hinayon, acting manager ng treasury department ng PCSO, si dating PCSO general manager Rosario Uriarte ay nag-withdraw ng P352.68 mula sa PCSO CIF mula 2008 hanggang June 2010.

Ang general manager at chairman ng PCSO ay may karapatang tumanggap ng taunang CIF na P5 million kada taon.

Ang CIF ay unang ipinatupad sa Estrada administration para pondohan ang charitable activities at proyekto ng ahensya sa poorest of the poor, partikular ang mga nasa malalayong lugar.

Ibinunyag din ni Hinayon na si dating PCSO chairman Sergio Valencia ay gumastos lamang ng P13.31 million sa CIF mula 2008 hanggang 2010, na mas mababa pa sa authorized na P15-million allocation para sa
three-year period.

Sina Uriarte at Valencia, kasama ang iba pang dating PCSO officials, ay co-accused ngayon sa plunder case na kinakaharap ni dating President Arroyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply