Kaso vs Rasuman scam nadagdagan pa

UMAKYAT sa 14 na kasong kriminal ang kinakaharap ng NAD 21 Auto Option Trading founder na si Jachob ‘Coco’ Rasuman sa piskalya ng Cagayan de Oro City.

Ito’y matapos panibagong mga kliyente na naman ni Rasuman ang nagsampa ng kaso sa City Prosecutor’s Office dahil sa kabiguan pa rin nitong maisauli ang kanilang investment capital.

Ayon  kay Chief City Prosecutor Fidel Macauyag, sinabi nito na karagdagang anim na kaso ang isinampa sa kanilang tanggapan na kinabibilangan ng isa pang P1.6-billion investment case at limang tig-mahigit P300 milyon pa mula sa panibagong mga kliyente nitong naghahangad ding makuha ito mula kay Rasuman.

Ayon kay Macauyag na batay sa kanilang napag-usapan ng Department of Justice (DoJ) panel of prosecutors na sisikapin nilang sa susunod na linggo ay mareresolba na ang nasabing mga kaso.

Tumanggi rin si Macauyag na panguhanan ang DoJ sa magiging kahihitnan ng mga kasong kinaharap ni Rasuman kasama ang iba pa nitong mga associate.

Samantala, nagsumite na sa DoJ ang tanggapan ng National Bureau of Investigation o NBI-12 ng rekomendasyon kaugnay sa pag-file ng kaso sa may-ari ng Aman Futures Incorporated.

Ito ay kaugnay lamang sa mga nabiktima ng Aman sa Tboli South Cotabato na umabot sa mahigit 100 ang naloko ng grupo.

Inihayag ni NBI-12 regional director Angelito Magno na wala namang nadagdag na nag-file ng complaint na nabiktima ng nasabing scam.

Sinasabing maglalabas na rin ng subpoena ang (DoJ) para kay Rasuman at sa iba pang kasamahan nito hinggil sa kaso.

Pinag-aaralan na rin ngayon ni Regional Trial Court (RTC) Branch 20 presiding Judge Bonifacio Macabaya ang inihaing petisyon ng abogado ni Rasuman na mailipat ito mula sa National Bureau of Investigation (NBI) central office papunta sa Lumbia City Jail ng Cagayan de Oro upang makapagpagamot ito sa kanyang iniindang karamdaman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply