Pagnanakaw vs Roxas, Palasyo di nababahala

dilg-sec-mar-roxas

BINALEWALA lamang ng Palasyo ng Malakanyang ang kasong pagnanakaw na isinampa ng pamilya ni Cebu Gov. Gwendolyn Garcia laban kay Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Mar Roxas at ilan pang personel ng Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na duda siyang magtatagumpay ang kaso laban kay Roxas, maliban na lamang kung mayroong matibay na ebidensya laban dito.

Iginiit ni Lacierda na sa kasong kriminal, personal na ginawa ng inaakusahan ang krimen, na malayo namang nagawa ni Roxas dahil wala siya sa Cebu noong isilbi ang ‘suspension order’.

Ang pagsasampa ng kaso ay dahil sa pagnanakaw umano nina Roxas, Police Regional Director Marcelo Garbo; Supt. Leopoldo Cabanag at Insp. Alvino Enguito ng mga tent at upuan na ginamit ng mga supporter ni Garcia.

Kasong robbery ang isinampa ng anak ng gobernador na si Paolo Garcia sa Cebu City prosecutors office laban sa apat na opisyal.

Inakusahan din ng nakababatang Garcia ang kalihim na nag-utos sa pagbaklas sa mga tent.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply