Katok ni kamatayan

bangkay

RIZAL – Patay ang isang magsasaka matapos na dalawang ulit barilin sa mukha ng taong kanyang pinagbuksan ng pinto kagabi sa bayan ng Morong.

Kinilala ni Morong chief of Police P/Sr. Insp. Amadeo Estrella ang biktima na si Jorge Sarmieto, 46 anyos, residente ng #79 Raymundo st., Brgy. Lagundi ng nasabing bayan.

Mabilis namang tumakas ang suspek matapos na masigurong napuruhan ang kanyang biktima bitbit ang ginamit na baril.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-11:45 ng gabi sa nasabing lugar kung saan ay nagising ang biktima sa mga katok sa kanilang pintuan.

Ayon sa asawa ng biktima na si Aling Baby, 46 anyos, pagkabukas ng pintuan nang kanyang asawa ay agad na pinutukan ito ng dalawang beses ng suspek sa mukha na siya nitong agarang ikinamatay.

Ayon pa sa ginang wala siyang alam na kaaway ng asawa bago naganap ang insidente ng pamamaril.

Narekober ng Scene of the Crime Office (SOCO) ang dalawang fired empty shell ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril at isang jungle bolo sa labas ng bahay ng biktima.

Nagsasagawa na nang follow-up operation ang Morong Police para sa posibleng pagkakilanlan sa suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply