Kelot binaril ng kainuman, patay

UTAS ang isang binata matapos itong pagbabarilin ng kanyang kabarangay nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa kanilang inuman sa Northbay Boulevard South, Navotas City.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center Hospital si Nilo Besigna y Gumanes, 44, binata, ng Blk 7  Phase 1, Dagat Dagatan NBBS.

Mabilis namang tumakas sakay ng kanyang motorsiklo ang salarin na nakilala lamang sa alyas na Rolly ng nasabing barangay.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni P03 Edwin Guzman ng Station Investigation Division (SID) ng Navotas police, ganap na ala 1:00  kaninang madaling ng maganap ang insidente sa kalye Bidbid sa nasabing barangay.

Bago maganap ang krimen, nag-iinuman ang dalawa sa nasabing lugar ng kapwa na ito malasing sa hindi malamang kadahilanan nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa biglang nagbunot ng baril si Rolly at tatlong ulit na binaril sa iba’t ibang parte ng katawan si Nilo na agad nitong ikinamatay.

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa insidente  habang nagpalabas ng manhunt operation ang pulisya laban sa nasabing  salarin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply