Kelot binaril, todas

crime-scene-chalk-mark

TODAS ang isang lalaki matapos itong taniman ng bala ng baril ng hindi pa nakikilalang salarin habang naglalakad sa Pasilo-1, Camarin, Caloocan City, Biyernes ng umaga (Disyembre 21).

Dead on spot sa pinangyarihan sanhi ng tinamong dalawang tama ng bala ng kalibre 45 sa dibdib at isa sa ulo ang biktima na nakilala lamang sa alyas na Eddie, 48-50 anyos, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng kulay dilaw na t-shirt, denim pants at naka sapatos ng kulay brown.

Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang salarin bitbit ang ginamit nitong baril .

Base sa imbestigasyon ni SP01 Allan Budios, ganap na alas 9:30 ng umaga ng maganap ang insidente sa kahabaan ng Pasilo 1 ng nasabing barangay.

Nabatid na mag-isang naglalakad ang biktima ng bigla na lamang harangin ng suspek at walang sabi-sabi na binaril ng dalawang beses na agaran nitong ikinamatay.

Nakarekober ang elemento ng Scene of Crime Operatives (SOCO) sa pinangyarihan ng dalawang empty shell ng kalibre 45 na ginamit sa krimen.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awrotidad at inaalam ang tunay na motibo sa nasabing insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply