Kelot binugbog ng mga kainuman, dedbol

NATAPOS ang buhay ng isang 31-anyos na lalaki nang pagtulungang bugbugin ng kanyang mga kainuman habang nagdiriwang ng Pasko sa General Santos City.

Kinilala ang biktima na si Leo Andawa, residente ng Sitio Pao-Pao, Barangay Sinawal na namatay dahil sa mga tinamong pasa sa iba’t ibang parte ng katawan, ulo at bibig.

Sa pahayag ng asawa ng biktima na si Rosalie, bibili lang sana ng asukal ang kanyang mister subalit ng magtungo sa tindahan ay nakita ng kanyang mga kaibigan at nagyayaan na mag-inuman at nang malasing ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawan na humantong sa pambubugbog.

Ayon kay Police Senior Inspector Armand Castro, team leader ng Scene of the Crimes Operative, posibleng hinampas ng matigas na bagay ang ulo ng biktima at suntok sa bibig ang dahilan ng pagkamatay nito.

Sa ngayon pinaghahanap na ang tatlong suspek na siyang itinurong bumugbog sa biktima na pinangunguhan ng isang Elmer Yu na tumakas makaraan ang krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply