Kelot hinoldap sa CR ng bus station sa Cubao

knife-2

HINOLDAP ang isang probinsyano ng hindi nakilalang holdaper sa loob ng comfort room (CR) ng Victory Liner Bus Terminal sa Cubao, Quezon City, Miyerkules ng madaling araw.

Nabatid na pauwi na sana sa Pampanga ang biktima na si Jaylo Morales, 20-anyos nang holdapin siya sa naturang terminal ng bus.

Ayon sa report, nag-CR lamang ang biktima at nang nasa palikuran na ay tinutukan siya ng kutsilyo sa tagiliran ng suspek.

Walang nagawa ang biktima kundi ibigay ang kanyang wallet na naglalaman ng P5,000.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply