Kelot inatake sa puso, nahulog sa bangin, tepok

HINIHINALANG atake sa puso ang posibleng dahilan ng pagkakahulog sa
bangin ng isang lalaki na natagpuan bangkay sa Sitio Bayacsan, Taloy
Norte, Tuba, Benguet.

Kaugnay nito, inaalam pa rin ngayon ng Tuba Municipal Police Station
(MPS) kung may nangyaring foul play pagkamatay ng biktima na sinasabing nahulog na bangin.

Ayon sa Tuba MPS, mismong ang mga kapitbahay ng biktima ang kumilala
rito na isang Estong, 40, residente ng nasabing lugar at tubong Sta.
Rita, Aringay, La Union.

Una rito, nakita ng kapitbahay ng biktima na si Jose Mallare na
nakahandusay sa damuhan si Estong nang mapadaan ito sa nasabing lugar
upang manguha sana ng kahoy.

Dahil dito, agad naman na nagtungo ang mga pulis at miyembro ng Scene
of the Crime Operatives (SOCO) sa nasabing lugar matapos na ipinaalam
ng mga residente doon ang natagpuang bangkay ng kanilang kapitbahay.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad na nawalan ng malay si
Estong dahil sa labis na kalasingan nito.

Pinaniniwalaang namatay si Estong matapos itong atakehin sa sakit na
tubercolusis lalo na at nakuha mula sa bag nito ang kanyang mga gamot.

Maliban dito, wala itong sugat sa anumang bahagi ng kanyang katawan
kaya naniniwala ang mga pulis na ang palaging pag-inom ng alak ang
dahilan ng kanyang pagkamatay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply