Kelot itinulak sa tulay, patay

crime6

TODAS ang isang hindi pa kilalang lalaki matapos malunod nang itulak ng hindi rin nakilalang suspek habang ang una ay umiihi malapit sa tulay sa Caloocan City Lunes ng madaling araw.

Patay na nang makuha ang katawan ng biktima na tinatayang nasa edad 50 hanggang 60, maitim, katamtaman ang pangangatawan.

Batay sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling araw, umiihi ang biktima malapit sa tulay ng Tullahan sa Appleville, Sta. Quiteria ng lungsod nang itulak ng suspek.

Nahulog sa maburak na ilog ang biktima hanggang sa tuluyang lumubog at malunod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply