Kelot kulong sa diskarte ng ninakawan bakla

KULONG ang isang kelot matapos madiskartehan na i-text at magpanggap na babae bago pumayag na makipagsex ng baklang ninakawan ng una sa Malabon City kaninang madaling araw, Disyembre 23.

Nakilala ang suspek na si Billy Cunanan, 19, ng Phase 1, Longos ng lungsod habang pinaghahanap pa ang kasamang nakilala lang sa alyas na Oying.

Sa ulat, dakong alas-2, pinasok ng mga suspek ang bahay ni Elnidio Tagalog, 28, attendant ng Index hair and Body Salon sa Martiniko st., Longos ng lungsod at kinuha ang laptop at P5,500 ng bading.

Pag-uwi galing sa panonood ng dance contest ay sinabi ng kaibigan ng biktima na nakita niya ang mga suspek na lumalabas ng bahay at dala ang laptop.

Naghanap ng paraan ang bading na makuha ang cellphone number ni Cunanan at nang makuha ay itinext sabay pakilalang babae.

Nang sumagot si Cunanan ay inaya ng bading na makipag-sex at dahil sa pag-aakalang babae ay pumayag ang una.

Agad na humingi ng tulong sa mga pulis ang biktima at nagsagawa ng entrapment operation.

Dakong alas-12:55 kaninang madaling araw, naghihintay si Cunanan sa Agora, North Bay Boulevard South upang makipagkita sa biktima subalit laking gulat nang biglang dambahin ng mga pulis at dalhin sa presinto.

Hindi naman nabawi ang laptop at pera ng biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply