Kelot naboga sa puwit ng nilalarong baril

SUGATAN ang isang lalaki matapos tamaan ng bala sa pwet mula sa nilalarong baril ng kainuman habang naghihintay mapuno ang itsinarge na cellphone sa bahay ng una sa Malabon City kagabi, Disyembre 25.

Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tama ng bala sa pwet si Rodel Tindugan, 21 ng Pilapil St., Gulayan, Catmon ng lungsod.

Nadakip naman si Rich Corpus, 21 ng Pilapil St., Sangciangco, Catmon ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-10 ng gabi, nakikipag-inuman ang biktima sa kanilang bahay sa mga kaibigan nang dumating ang suspek na nagpa-charge ng cellphone.

Habang naghihintay at tumatagay ay nilaro ng suspek ang dalang baril subalit biglang pumutok at minalas na tinamaan ang biktima.

Sinabihan ng suspek ang mga kainuman ng biktima na dalhin sa ospital si Tindugan bago umuwi ang una.

Sa isinagawang follow-up operation ay nadakip ang suspek at nakuha ang kalibre .38 na baril na may dalawang bala.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply