Kelot nadiskubreng patay sa loob ng bus

NADISKUBRENG patay ang isang lalaki sa loob ng isang pampasaherong bus kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Manila.

Hinalang may ilang oras ng patay, bago nadiskubre ang biktima na nakilalang si Milbert Orobio, 36, ng Barangay Kamuning Calabanga, Camarines Sur.

Batay sa report na isinumiti ni Det.Mario Asilo, kay P/Sr.Insp. Esmael dela Cruz, hepe ng Manila Police District (MPD)-Crime Against Persons Investigation (homicide) section, nasa pagitan ng dakong 8:00 hanggang 9:00 ng gabi, nang umano’y nakita ang biktima sa loob ng Raymund Bus (EVR-404), habang nakahimpil ito sa 246 Sta. Teresita st., sa Sampaloc.

Ayon sa ulat ng management ng bus company, sumakay sa bus at umupo sa number 36 ang biktima, at ng mag inspekyon ang isang Marcel Naldoza, na kundoktor, para magbigay ng ticket sa mga pasahero, nang makita ang biktima na nangingtim ang buong katawan, tinangka nitong gisingin na inakalang natutulog lamang subalit hindi na ito gumagalaw mula sa kanyang kinauupuan.

Dahil dito, agad na humingi ng tulong ang nasabing kundoktor sa driver ng bus na nakilalang Caludio Dado na naging dahilan upang ipagbigay alam sa pulisya.

Nabatid sa ulat ng pulisya, wala namang nakitang sugat o bakas na pinahirapan ang biktima bukod lang sa kanyang pangingitim ng buong katawan na hinihinalang inatake ng kanyang sakit.

Ang bangkay ay pansamantalang inilagak sa St. Yvan Funeral Morgue, para sa kaukulang awtopsiya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply