Kelot nag-amok, 13-anyos todas

ISANG 21-anyos na lalaki ang nag-amok at nakapatay sa 13-anyos na babae sa Quezon City kagabi.

Ayon sa ulat sa radio kaninang umaga, nakilala ang suspek na si Ruel Jabal, na nasawi rin matapos nitong tangkaing agawain ang service firearm ng isang pulis na nag-eskort sa kanya upang dalhin sana siya sa Quezon City General Hospital.

“Dadalhin sana ang suspect sa Quezon City General Hospital. Bigla niyang inagawan ng baril ang driver sa harap, napilitan itong tropa,” ayon kay Quezon City Police District Station 3 head Superintendent Michael Macapagal sa ulat sa radio kaninang umaga.

Nagtamo naman ng sira ang police mobile sa naturang insidente.

Nabatid na nakaposas si Jabal nang tangkain nitong agawin ang armas ng kanyang escort na pulis sa kanto ng Mindanao Avenue at Cattleya Extension.

Inaalam pa ng pulisya kung sabog sa droga at nakainom ng alak ang suspek nang isagawa nito ang pag-amok.

Hinala ng pulisya na may kaaway ang suspek at napagbalingan lamang ang 13 anyos na babae na hindi pinangalanan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply