Kelot nagbigti sa tapat ng LTO head office sa QC

bangkay

ISANG lalaki ang nagbigti sa tapat ng head office ng Land Transportation Office (LTO) sa East Avenue, Quezon City, Martes ng umaga.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 20 hanggang 25, may taas na 5’4, kayumanggi, may katamtamang pangangatawan, may balat sa kanang kili kili, at nakasuot ng kulay gray na shorts at blue-green na T-shirt.

Ayon kay PO2 Marlon dela Vega ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), natagpuan ang bangkay ng biktima dakong 7:30 ng umaga na nakasabit sa puno sa harap ng LTO head office sa nasabing lugar.

Sa ulat, gumamit ng nylon cord ang biktima na itinali sa puno at ipinulupot sa leeg.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply