Kelot nang-agaw ng baril ng parak, tigbak

NAPATAY ng pulisya ang lalaking sumaksak sa isang dalagita matapos agawan ng baril ang pulis na magdadala sa kanya sa pagamutan kaninang madaling araw (Disyembre 8) sa Quezon City.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at namatay noon din ang suspect na si Ruel Jabal, 21-anyos, walang trabaho at wala rin permanenteng tirahan.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD, naganap ang insidente dakong alas 12:35 ng madaling araw sa Mindanao Avenue.

Bago ito, sa hindi pa malamang dahilan ay sinaksak ni Jabal ang isang nagngangalang Percy delos Santos, 12-anyos habang naglakad ito na kasama ang kanyang kapatid sa kanto ng Mindanao Avenue at Cattleya St, sa Barangay Bahay Toro nitong nakaraang Biyernes ng gabi.

Sa ikinasang follow up operation, naaresto si Jabal at dahil may sugat ay isinakay ito sa mobile patrol car ng QCPD station 3 para ipagamot sa Quezon City General Hospital (QCGH).

Pero pagdating sa nabanggit na kanto, inagaw umano Jabal ang baril na nasa baywang ni P03 Roque Jeralde, na siyang nagmamaneho ng mobile patrol.

Dahil nasa panganib ang kanilang kasamahan, wala  nagawa ang mga kasamahan ni Jeralde kundi ang barilin si Jabal na hinihinalang nasa impluwensiya ng droga at alak.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply