Kelot patay sa tarak ng lalaking sinita sa inuman

PATAY ang 18-anyos  na lalaki  makaraang saksakin  ng hindi  kilalang  salarin  matapos sitahin habang  nakikipag-inuman  sa  kanyang  mga  kaibigan  sa  Barangay Pagasa, Quezon City  kaninang  madaling araw Disyembre 9, 2012 (Linggo).

Kinilala  ang  biktima  na si Jefferson De Dios, ng 18 Dahlia St., Brgy. Pagasa, QC.

Si De Dios  ay nasawi  habang  ginagamot sa  East  Avenue  Medical Center  dahil  sa tinamong  tama  ng saksak  sa Kaliwang  kili kili.

Ayon kay SO1 Johnny  Mahilum  desk  officer  ng Quezon City Police District  Criminal  Investigation and Detection  Unit, naganap ang  insidente   alas-3:00  ng madaling araw malapit  sa  Normas store  sa Brgy. Pagasa,QC kanina.

Sinabi sa ulat na  kasalukuyan nakikipag-inuman ang  biktima sa  kanyang  mga  kaibigan  sa lugar  nang sitahin ni  De Dios  ang  isang  hindi  nakikilalang  lalaki  na  pasilip  silip  sa  inuman.

Inilawan  ni  De Dios  ng  ilaw ng kanyang  cellphone ang  kinaroroonan ng  suspek  sa  isang madilim na bahagi ng  lugar malapit  sa kanilang  inuman saka nilapitan.

Subalit  paglapit  nito sa  kinaroonan ng  suspek para  sitahin kung  bakit ito  nakasilip  sa  kanilang  inuman  ay bigla na laman  itong  inundayan ng saksak.

Agad tumakas  ang suspek  matapos  ang  pananaksak.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply