Kelot pinagbabaril, kritikal

KRITIKAL ang lagay ng isang binata matapos itong pagbabarilin ng dalawa sa tatlong suspek kagabi Dec. 14, sa kalye ng Don Antonio Brgy. 19, Caloocan City.

Nakaratay at inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Renie Lachica y Abayon, 21, single, helper, ng Block 2D Parus Alley Brgy. 14, ng lungsod sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng sumpak sa iba’t isang parte ng katawan.

Arestado naman ang magpinsan na sina Arnold Valiganio y Gagano, 32, helper, at si Rodolfo Veliganio, Valleyes, 35, construction worker, pawang taga Dagat-Dagatan, Caloocan habang nakakalaya pa ang kasamahan nitong nakilala sa alyas na Buboy.

Ayon sa ulat, dakong alas 10:45 ng gabi ng maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Nabatid magkasamang dumating ang magpinsan at agad na kinumpronta ang biktima na humantong sa mainitang pagtatalo hangang sa biglang nagbunot ang mga suspek ng kalibre 38 at isang sumpak at agad na pinaputukan si Lachica.

Dahil sa maagap na pagresponde ni P03 Joel Borda, nakatalaga sa CIDG Camp Crame, arestado ang magpinsan na Veliganio at narekober ang kalibre 38 na may apat na live ammo habang nakatakas si Buboy na may armas na sumpak.

Nakatakdang ipagharap ng kasong fraustrated murder ang mga suspek sa piskalya ng Caloocan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply