Kelot tepok sa tarak

knife-2

NASABI pa ng isang lalaki sa mga pulis kung sino ang sumaksak sa kanya bago malagutan ng hininga sa Valenzuela City, Martes ng madaling araw.

Namatay habang ginagamot sa Valenzuela General Hospital si Eduardo Baquiran, Jr., nasa hustong gulang ng Quinay St., Meycauyan, Bulacan, sanhi ng tinamong saksak sa mukha at katawan.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si John Kristopher Banzagales, 26, ng Meyland Village, Lingunan, Valenzuela City.

Sa pahayag ng biktima, dakong alas-2:40 ng madaling araw nang saksakin siya ng suspek sa Chicago St., Ciudad Grande, Lingunan ng lungsod.

Nagawa naman makatakbo ng biktima at madala sa VGH kung saan nasabi pa sa mga pulis kung sino ang sumaksak. Gayunman hindi na nasabi ng biktima ang dahilan kung bakit siya sinaksak ng suspek.

Hinahanap na ng mga pulis ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply