Kelot tigok, 2 sugatan sa pamamaril sa Antique

crime6

PINAGBABARIL hanggang mapatay ang isang lalaki samantalang sugatan naman ang dalawang iba pa makaraang paputukan ng 12-gauge shotgun sa Brgy. Cubay, Libertad, Antique.

Kinilala ang namatay na biktima na si Roybel Quimpo, 27, dahil sa tama ng pellet sa dibdib habang ginagamot naman ngayon sa Aklan Provincial Hospital ang mga nasugatan na sina Ramil Tandog, 29, at Jomar Asuncion, 25, pawang mga residente ng naturang barangay.

Ang suspek na armado ng 12-gauge shotgun ay kinilalang si Remy Jumangal, 35, ng naturang lugar ay nakatakas matapos ang ginawang pamamaril sa mga biktima.

Batay sa impormasyon, sakay umano ng isang motorsiklo sina Tandog at Quimpo nang mapadaan sa tapat ng bahay ng suspek.

Nang makita ang mga ito, agad kinuha ang baril ng suspek at pinagbabaril ang mga biktima bago  tumakas.

Nabaril naman si Asuncion nang lapitan at tulungan ang dalawa sa pag-aakalang naaksiudente lamang ang nangyari sa mga biktima.

Namatay noon din si Quimpo samantala nilalapatan pa ng lunas ang dalawang biktima.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng naturang pangyayari at tinutugis na ang salarin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply