Kelot tinarakan sa dibdib, tigok

crime-scene-chalk-mark

PATAY ang isang 26-anyos na lalaki matapos itong saksakin sa dibdib sa Parola, Tondo, Maynila, Martes ng gabi.

Kinilala ni Manila Police District-Homicide Section P/Sr Insp. Ismael dela Cruz ang biktima na si Jericho Berdae, nakatira sa gate 2 Area B, Parola Compound, sa nasabing lugar.

Tumakas naman ang suspek na nakilala lamang sa alyas na “Michael”.

Sa report ni SPO2 Ronald Gallo, dakong alas-7:20 kagabi nang maganap ang insidente sa Gate 10 Area D sa nasabi ring lugar.

Nauna rito, isang Ronnel Datoon umano ang naglalakad sa lugar nang mapansin nito ang biktima na nakahandusay sa semento na duguan at habol-habol ang kanyang hininga.

Dahil dito, agad ipinagbigay-alam ni Datoon sa tanod ng Brgy 825 na si Roberto Luna ang insidente.

Naisugod pa ang biktima sa Gat Andres Hospital ngunit namatay din ito habang nilalapatan ng lunas.

Inaalam naman ng pulisya ang motibo sa pananaksak sa biktima na dinala sa St. Ivan Funeral Homes para sa autopsy at safekeeping.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply