Kelot todas sa saksak

DAHIL sa pagmumura ng tatlong kalalakihan, kasama ang isang babae, binabaan sa sasakyan ng isang 42 anyos na binata, na nauwi sa suntukan hanggang sa masaksak ang biktima kaninang umaga sa Sta.Ana, Manila .

Nasawi habang inoobserbahan sa Sta.Ana Hospital ang biktimang si Erick Tiacho Y Cabayan, binata, tambay ng 2535 Medel St., Sta.Ana, Manila, habang tumakas ang mga suspek matapos isagawa ang krimen.

Batay sa ulat na isinumiti ni Det. Charles John Duran, kay P/Sr.Insp. Ismael dela Cruz. Hepe ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section, dakong 6:20 ng umaga, nang maganap ang nasabing insidente sa panulukan ng Tejeron st at Garido Sts., sa Sta Ana.

Bago ang insidente, binabaybay umano ni Tiacho ang kahabaan ng Tejeron St., lulan ng kulay asul na Toyota Altis, kasama ang mga sakay na sina Vicente Bercadez, 62 anyos ; retired Fireman ; Jaime Sagismundo Jr., tricycle driver at ang isang John Paul Gonzales , 17 anyos, nang mapadaan ito sa grupo ng mga suspek .

Nabigla umano si Tiacho, kaya dali-dali nitong pinarada ang minamanehong sasakyan sa gitna ng kalye, saka ito bumaba para komprontahin kung bakit sila pinagsabihan ng maaanghang na salita.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga suspek at ng biktima, hanggang sa saksakin ang biktima, bago nagkanya-kanyang takas papalayo ang mga suspek at naiwang nakabulagta ang biktima.

Nagtulong-tulong na maisugod sa nasabing pagamutan si Tiacho, subalit ilang minuto pa lamang ang nakakaraan ng bawian ito ng buhay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply