Kidnap victim sa Lanao del Norte, nabawi

lanao-del-norte

NASAGIP ng government security forces ang isang kidnap victim sa Lanao del Norte, ayon sa pahayag ng pulisya kaninang umaga.

Kinalaunan, iniugnay ng awtoridad ang insidente sa Aman Futures investment scam, dahil ang nanay ng biktima ay sangkot sa iligal na aktibidades na bumiktima sa libo-libong residente sa Mindanao.

Kinilala ng Police Regional Office 9 ang biktima na si Dennis Lean Solon, na nailigtas ng police at military personnel sa Sultan Naga Dimaporo town.

Ang biktima na anak ng isang negosyante na nakabase sa  Aurora, Zamboanga del Sur, ay dinukot sa loob ng kanilang bahay dakong alas 7:30 a.m. nitong nakaraang araw ng Linggo, pahayag ni Chief Superintendent Napoleon Estilles, PRO 9 director.

Dalawang oras matapos anbg insidente, namataan ng pinasanib na puwersa ng police and military forces ang getaway vehicle sa Barangay Kirapan sa Sultan Naga Dimaporo town matapos magkasa ng blocking operations sa lugar.

Sumuko ang dalawa sa mga suspect  kaya nabawi ang biktima.

Kinalaunan, lumabas sa imbestigasyon na ang nanay ni Solon ay sangkot  sa Aman Futures investmen scam, na bumiktima ng libo–libong katao sa Mindanao.

Sinabi ni Estilles na ang nanay ng biktima ay iniulat na isang  ahente ng nasabing kumpanya  at nakakolekta ng P2 milyon mila sa hindi malamang bilang ng mga kliyente.

Naihatid na ang biktima sa kayang pamilya matapos isailalim sa medical checkup at debriefing habang ang dalawang suspect  ay nasa kostudiya na ng pulisya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply