Kilabot na pusher timbog sa PDEA

PDEA

ARESTADO sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang kilabot na tulak ng shabu na nasa target list ng ahensya sa Albay, noong Biyernes (Disyembre 7).

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., ang suspek na si Achilles Nares, 47 anyos, isang dating security guard at residente sa Purok 3, Barangay Divino Rostro, Tabaco City, Albay.

Si Nares ay inaresto ng anti-drug agents ng PDEA Regional Office 5 (PDEA RO5) sa pamumuno ni Director Archie Grande makaraang salakayin ang bahay nito sa Barangay Divino Rostro sa bisa ng search warrant na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) sa Ligao City, Albay,.

Nakumpiska sa suspek ang dalawang malaking sachet ng shabu na may bigat na 10 gramo.

Isinampa na ng PDEA sa piskalya ang kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), ng  Article II, Republic Act 9165, o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”, laban kay Nares.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply