Kilabot na tulak arestado sa Leyte

tiklo

NASAKOTE ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang kilabot na drug pusher na nag-oopereyt sa Leyte sa ikinasang entrapment operation.

Kinilala ni PDEA Director General Arturo Cacdac, Jr. ang suspek na si Rodolfo Pregoner, 53, na sinasabing nasa watchlist ng drug personality, sa Poblacion del Sur, Villaba, Leyte.

Batay sa ulat, si Pregoner ay miyembro ng “Jason Drug Group” na sangkot sa pagbebenta ng methamphetamine hydrochloride (shabu) sa naturang lungsod at iba’t ibang barangay sa kalapit na munisipalidad.

Sinabi ni Cacdac na nitong nakaraang Dec.10, si Pregoner ay nadakip dakong 10:15 ng umaga ng pinagsanig na puwersa ng  PDEA Regional Office 8 makaraang magbenta ng dalawang heat-sealed plastic sachet ng shabu, sa isang PDEA agent  na nagpanggap na buyer.

Matapos madakip, nakuha ng awtoridad ang tatlo pang malalaking sachet ng iligal na droga.

Samantala, sa Agusan del Sur, nasakote naman ng mga tauhan ng PDEA sa isinagawang buy-bust operation sa dalawang kilabot na drug pusher sa Purok 2B, Buri Street, Taglatawan, Bayugan City.

Ang naaresto ay kinilala ni Cacdac na sina Mango Ameril at Misron Makasari, at nakumpiska sa pag-iingat nito ang 17 plastic sachets shabu, isang timbangan, cash money at ang P3,000 buy-bust money na ginamait sa naganap na transaksyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply