Klase sa Legazpi City sinunspinde dahil sa malakas na ulan

SINUSPINDE ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang klase sa elementarya at sekondarya sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan sa Legazpi City bunsod ng nararanasang malakas na pag-ulan na may kasamang malakas na hangin.

Base sa ipinalabas na advisory ng PDRRMC, sinuspinde ang mga klase ng mga naturang antas dahil sa ilang araw ng nararanasan na malakas na pag-ulan.

Kaugnay nito, isinasagawa ngayon ang masusing monitoring ng Coast Guard District Bicol sa maliliit na sasakyang pandagat na pinagbabawalan munang pumalaot dahil sa naitalang malalakas na alon kasunod na rin sa ipinalabas na gale warning ng PAGASA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply